Biyernes, Mayo 3, 2013

Mga  Sipi ng mga sulat 

nuong panahon ng kastila sa Taguig


Isa sa pinakamahalagang datos na pinanggagalingan ng saysay o kwento ng isang lugar o bayan ay ang dami ng mga natipong dokumento na maaring pagbatayan sa paghahabi ng nakaraan. 

Sa pinagsama-samang lakas at kakayanan ng Taga-Taguig Ako Movement ay unti unting iniipon ang mga dokumentong ito upang maging batayan ng mga manunulat sa pagbubuo ng pagkakakilanlan ng bayan ng Taguig.



Ang mga datos na nakalap ng samahan ay nanggaling sa Pambanasang Sinupan ng Pilipinas, sa  Pambansang Aklatan ng Pilipinas, mga simbahan at ibat-ibang tahanan sa Taguig.



Samahan ninyo kami sa aming paglalakbay na kalapin, suriin, at ihabi ang kasaysayan ng Taguig.